62 katao, nahatulan sa illegal logging
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umabot na sa 62-katao ang hinatulan ng korte dahilan sa pagkakasangkoot sa illegal logging sa lambak ng Cagayan, ayon sa ulat ng sangay ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) kahapon.
Batay sa talaan na ipinalabas ni Forester Benjamin Tumaliuan, DENR Regional Executive Director ng Region II, maliban sa animnapu’t dalawang katao na hinatulan mula sa ibat-ibang korte ng rehiyon ay nagresulta rin ito sa pagkakumpiska ng 22 mga heavy equipments na ginagamit sa walang habas na pamumutol ng mga kahoy.
“This is a stern warning to all those concern that we mean business in our fight against illegal logging and other means to destroy our environment”, pahayag ni Tumaliuan sa isinagawang programa kasabay ng paggunita sa environment month.
Samantalang kinilala rin ni Tumaliuan ang katapangan ni dating DENR Forestry Specialist Melania Derain na pinaslang nitong buwan ng Pebrero sa loob mismo ng kanyang opisina sa Sanchez Mira, Cagayan dahil sa magkakasunod nito umanong operasyon at paghuli sa libu-libong board feet ng mga iligal na troso sa kanyang nasasakupan.
- Latest
- Trending



















