^

Probinsiya

3 utas sa killer truck

- Christian Ryan Sta. Ana - The Philippine Star

CABIAO, Nueva Ecija, Philippines  – Patay ang tatlong kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo makaraang aksidenteng bumangga sa isang nadiskaril na 6-wheeler truck na nakaparada sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road, Brgy. Sta. Rita sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eddie Macapagal, 27; Ramil Lapuz, 36; at Arnold Bati, 36, pawang mga residente ng San Vicente, ng bayang ito.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Cabiao Police ang driver ng Fuso Truck (TTU-207) na si Rojel Guilao, 28, may-asawa ng Brgy. Sagana, Laur, Nueva Ecija na isinasailalim sa imbestigasyon.

Sa ulat ng pulisya, bandang ala-1 ng madaling-araw, kasalukuyang pauwi na ang mga biktima sa kanilang tahanan na magkakaangkas sa   Suzuki X-4 motorcycle (RF-1047) na minamaneho ni Macapagal nang bigla umanong mabangga nila ang likurang bahagi ng truck na hindi maayos ang pagkakaparada.

Dahil dito ay nagtamo ng matitinding pinsala sa kanilang katawan ang mga biktima. Habang isinusugod ang mga ito sa Good Samaritan Hospital sa Gapan City ay binawian ng buhay sina Macapagal at Lapuz, namatay naman habang ginagamot si Bati.

ARNOLD BATI

BRGY

CABIAO POLICE

EDDIE MACAPAGAL

FUSO TRUCK

GAPAN CITY

GAPAN-OLONGAPO ROAD

GOOD SAMARITAN HOSPITAL

MACAPAGAL

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with