Katiwala dinedo ng akyat-bahay
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 41-anyos na katiwala sa rice mill matapos pagpapaluin sa ulo ng ilang miyembro ng Aktyat-Bahay Gang sa Barangay San Francisco sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-4:35 ng madaling-araw nang matagpuan ang duguang katawan ni Arlene Arines ng Barangay Ibayugan. Napag-alaman na ang biktima ay katiwala sa rice mill na pag-aari ni Alma Morandarte kung saan nawawala rin ang P1,000 sa bag nito. May teorya ang pulisya na nakilala ng biktima ang suspek kaya pinatahimik ito.
- Latest
- Trending