Police security ni Gov. Aragones, binawasan
LAGUNA, Philippines — Binawasan ang bilang ng mga police personnel na nakatalaga para protektahan at tiyakin ang kaligtasan ni Laguna Governor Sol Aragones matapos ang verbal na direktiba mula sa isang mataas na opisyal ng pulisya sa Camp Crame, Quezon City.
Sa direktiba, inatasam ang Laguna Provincial Police Office na isumite ang mga pangalan ng mga tauhan na nakatalaga sa opisina ng gobernador at security team kabilang ang security chief.
Sa isang panayam sa telepono ng PSN, nilinaw ng Security Chief ni Gobernador Aragones na si Dr. Adiel De Torres, na ang mga security personnel ay nabawasan lamang sa bilang ngunit hindi ganap na binawi.
Aniya, ang pagbabawas ng mga tauhan ay maaaring magdulot ng mga pangamba dahil sa posibleng motibong pampulitika at maging naapektuhan din nito ang mga tauhan na nakatalaga sa kanya.
Sa pahayag ng Isang source, isang dating heneral ng pulisya na hindi nanalo nang tumakbo sa pagka-alkalde ng nakaraang halalan ay naghangad na maging bahagi ng pangkat ng seguridad ni Aragones.
Pinaghihinalaan umano ng dating heneral na ang isang tao sa loob ng grupong panseguridad ng Aragones ay nasa likod ng kanyang kabiguan na sumali sa administrasyon ng gobernador, idinagdag pa ng source, na ang opisyal ng pulisya na nagbigay ng direktiba ay dating kaklase ng retiradong heneral ng pulisya na naghangad na sumali sa pangkat ng security aides ni Aragones.
- Latest

















