Sex tiangge sa Batangas
MANILA, Philippines - Hindi lamang sa mga night club at massage parlor sa Metro Manila nauuso ang prostitution den kundi maging sa bayan ng Nasugbu, Batangas ay kumalat ang tinaguriang sex tiangge.
Ito ang isiniwalat kahapon ni P/Supt Emma Libunao, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group –Women and Children Protection Division (CIDG-WCPD) ang bagong modus operandi ng flesh trade na binansagang sex tiangge sa bayan ng Nasugbu, Batangas.
Ayon kay Libunao, ang sex tiangge ay panibagong istratehiya ng mga sindikato ng human trafficking na nadiskubre sa inilatag na raid kung saan aabot sa 28 kababaihan kabilang ang dalawang menor-de-edad ang nailigtas.
Ang modus operandi ng sindikato ay dalhin sa kubo o kaya naman sa mga waiting shed ang grupo ng mga kababaihan kung saan kukunin ng parukyanong mahilig sa panandaliang–aliw.
“They could even haggle for the price through middlemen but the lowest price based on our raid in Batangas is P1,500 per woman,” ayon sa opisyal kung saan ang mga kababaihang ibinubugaw sa sex tiangge ay 14 hanggang 25-anyos.
Samantala, may discount naman ang kustomer kung tatlo hanggang apat na babae ang kukunin ng mga ito sa sex tiangge.
Inihayag pa ni Libunao na bukod sa pagkakasiwalat ng sex tiangge sa nabanggit na bayan ay may natanggap din silang impormasyon na nagaganap rin ito sa iba pang panig ng bansa.
- Latest
- Trending