12 sugatan sa road mishap

QUEZON, Philippines - Labindalawang babae at siyam na lalaki ang iniulat na nasugatan matapos sumalpok at tumagilid ang pampasaherong bus sa gutter ng Maharlika Highway sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga sugatang naisugod sa ospital ay sina Ellen Belleo, Jenny KC Balagtas, Yolanda Villapando, Antonia Balandot, Adelaida Ramos, Rosalie Vergara, Ronaldo Aniceta, John Ronie Cadiz, Noel Alcantara at si Rexon Cuento. Lumilitaw na nag-overtake ang Jac Liner Bus (TXY469) Arnel Alcantara sa ice cream vendor kung saaan patungo sana sa Maynila mula sa Lucena City subalit nadulas ito dahil sa lakas ng ulan kaya nagpagewang-gewang at tuluyang tumagilid sa gutter.

Show comments