^

Probinsiya

3 PNP official sibak sa illegal mining

- Joy Cantos at Francis Elevado - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng illegal na operasyon ng minahan, sinibak na sa puwesto ang provincial PNP director ng Camarines Norte at dalawang iba pang opisyal ng pulisya.

Sa panayam sa PNP Press Corps, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, ipinag-utos niya ang pagsibak kina P/Senior Supt. Joselito Esquivel Jr, provincial PNP director ng Camarines Norte; P/Supt. Lito Andaya, hepe ng provincial police intelligence division at P/Supt Godofredo Tul-o, deputy provincial director for operations.

Nabigo si Esquivel na ipatupad ang cease and desist order na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa operas­yon ng mga illegal na minahan.

Samantala, sa kabila ng kautusan ng DENR ay naiisyuhan pa rin ng permit ang mga small scale na minahan sa lalawigan.

Inihayag pa ni Robredo na nakatanggap siya ng mga reklamo mula sa maliliit na magmimina na nago-ope­rate si Andaya ng kartel na sangkot sa pagbebenta ng mga eksplosibo sa small scale miner na ipinagbabawal.

Nabatid pa na nag-protesta ang grupo ng minero upang harangin ang pagpapatalsik kay Esquivel kahapon ng umaga pero natuloy pa rin ang pagsibak  kung saan pumalit si P/Senior Supt. Jose Capinpin.

Tiniyak naman ni Robredo na isasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga akusasyon laban kay Esquivel at dalawa pang opisyal.

CAMARINES NORTE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ESQUIVEL

JOSE CAPINPIN

JOSELITO ESQUIVEL JR

LITO ANDAYA

PRESS CORPS

ROBREDO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with