'Manyak' na technician, arestado

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 25-anyos na computer technician na sinasa­bing nagbantang ia-upload sa Internet ang mga hubo’t hubad na video ng kanyang ka-chatmate na public School teacher matapos maaresto ng pulisya sa entrapment operation sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulis ang suspek na si Juanito “John Paul” Duro ng Airport Road, Barangay San Fermin sa nabanggit na lungsod. Nabatid sa reklamo ng teacher na pinagbataan siya ng suspek na ilalabas sa Internet ang mga litrato at video na nakahubad habang sila’y nag-uusap sa web camera kung hindi ito papayag na makipagtalik. Lingid sa suspek ay nagreklamo na ang biktima sa himpilan ng pulisya kung saan inilatag ang entrapment operation sa Oriental Hotel sa downtown.

Show comments