^

Probinsiya

2 dedo sa ambush

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Isang retiradong police colonel at isang aktibong pulis ang napatay habang dalawa pa ang nasugatan matapos ang mga itong tam­bangan ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa isang minahan sa Kiblawan, Davao del Sur nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasa-   wing biktima na sina PO2 Rey Tonzo, dead-on-the-spot sa in­sidente sa tinamong tama ng bala sa leeg habang binawian naman ng buhay sa pagamutan si ret. Supt. Villamindo Hectin.

Si Hectin ay security consultant ng Sagittarius Mines Inc, isang kumpanya ng minahan  na kabilang sa Tampakan Copper – Gold Project sa Kiblawan.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina SPO1 Wenefredo Sengonigue at PO1 Glen Beltan; pawang ka­sapi ng Davao del Sur Public Safety Command; pawang isinugod na sa pagamutan   para malapatan ng lunas.

Ayon kay Col. Lyndon Paniza, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID) naganap ang insidente sa exploration site ng minahan sa Brgy. Kimlawis, Kiblawan ng nasabing lalawigan pasado ala-1 ng hapon.

Base sa imbestigasyon, bigla na lamang pinaulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima na lulan ng kanilang behikulo habang nagsasagawa ng roving patrol sa minahan sa naturang lugar.

Nagkataon namang naki-hitch ride si Hectin sa nasa-bing mga pulis patungo sana sa SMI extension office nang mangyari ang insidente. Pa-tuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. 

DAVAO

GLEN BELTAN

GOLD PROJECT

INFANTRY DIVISION

KIBLAWAN

LYNDON PANIZA

REY TONZO

SAGITTARIUS MINES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with