^

Probinsiya

SK chairman itinumba ng tandem

- Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa batambatang Sangguniang Kabataan chairman matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang tahanan sa Barangay Pandayan, Meycauayan City sa Bulacan kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Nazarenus Hospital sa Barangay Saluysoy ang biktimang si Marion Louis Buxani, 19, ng Saint Francis Subdivision at estudyante sa isang unibersidad sa Maynila.

Samantala, tumakas naman ang gunmen na lulan ng motorsiklo na sinasabing walang plaka.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang tahanan nang lapitan at pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki.

Sinasabi rin sa ulat ng pulisya na kausap ng biktima ang dalawang di-kilalang lalaki bago maganap ang pamamaril.

Kaagad naman dumugaw sa bintana ang kapitbahay na si Reniel Levin Mallari para usisain ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan bumulagta sa kanya ang duguang biktima na nakahandusay sa pag-aari nitong motorsiklo.

Narekober sa crime scene pitong basyo ng cal. 9mm habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY PANDAYAN

BARANGAY SALUYSOY

BULACAN

KAAGAD

MARION LOUIS BUXANI

MEYCAUAYAN CITY

NAZARENUS HOSPITAL

RENIEL LEVIN MALLARI

SAINT FRANCIS SUBDIVISION

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with