^

Probinsiya

Army officer utas, 3 sugatan sa pagsabog

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kamatayan ang sumalubong sa Army officer habang tatlong sundalo naman ang nasugatan matapos masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa national highway ng New Bataan, Compostela Valley noong Biyernes ng gabi. Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 10th Infantry Division na si Lt. Col. Lyndon Paniza, kinilala ang nasawi na si Lt. Rodel Daguio na naisugod pa sa Montevista District Hospital. Sugatang naman sina Pfc Richie Ursal, S/Sergeant Arnold Pacino at Corporal Jaime Clara. Ang mga biktima ay lulan ng KM450 military truck at pabalik na sa himpilan ng Army’s 66th Infantry Battalion nang sumambulat ang landmine sa highway ng Barangay Bantacan may 300 metro ang layo sa eskuwelahan sa New Bataan. Ayon kay Army’s 10th Infantry Division Chief Major Gen. Ariel Bernardo ang paggamit ng landmine ng rebelde ay direktang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and the International Humanitarian Law.

ARIEL BERNARDO

AYON

BARANGAY BANTACAN

COMPOSTELA VALLEY

COMPREHENSIVE AGREEMENT

CORPORAL JAIME CLARA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

NEW BATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with