Magkaibigang dalaga hinalay

QUEZON, Philippines  – Maagang napariwara ang kinabukasan ng magkaibigang dalaga matapos na gahasain ay ninakawan pa ng tatlong di-kilalang lalaki sa Barangay Hagakhakin sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni SPO1 Brenda Rodelas ng Womens Desk Section, lumilitaw na papauwi na ang dalawa kasama ang kaibigang si Jojo mula sa sayawan nang harangin ng mga armadong kalala­kihan.Pumalag si Jojo at nagtangkang tumakbo subalit ginulpi ng tatlong holdaper kung saan iginapos at kinaladkad sa gilid ng riles ng tren kasama ang magkaibigang dalaga. Dito na halinhinang hinalay ang magkaibigan babae bago tinangay ang kanilang mga cell phone at pera ni Jojo.

Show comments