2 sundalo dinedo ng NPA rebs

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang kumpirmadong napatay matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Sinungtan sa bayan ng Guinobatan, Albay kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napaslang na sundalo na sina Private First Class Jaybee Villa Gomez, 25, ng Bula, Camarines Sur; at Pfc Alfredo Leonilo, 21, ng Cagayan De Oro City, kapwa nakatalaga sa Alpha Company ng Army’s 2nd Infantry Battalion Bayanihan Teams.

Nabatid sa ulat ni Major Angelo Guzman ng 9th Infantry Division ng Phil. Army , bumibili sa tindahan sa loob ng palengke ang mga biktima sa piyestahan sa nabanggit na barangay nang patraydor na ratratin ng dalawang rebelde.

Isa sa mga biktima ay nagtamo ng anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol habang tatlong tama naman sa leeg ang isa.

Lumilitaw na rumesbak ang mga rebelde sa pagkakadakip sa isang Sparu death squad member na si Carlito “Ka Renan” Rebamba noong Hunyo 9 sa Barangay Tastas, Ligao City. - Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos 

Show comments