Inhinyero ng DPWH pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ng di-kilalang lalaki ang 25-anyos na inhinyero ng Department of Public Works and Highways sa bisinidad ng palengke sa Barangay 3, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Engr. John Louie Reotutar, tubong Barangay Sanlokal. Lumilitaw na nasa loob ng tindahan ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunman sa mukha. Nagpulasan naman ang mga mamimili sa palengke matapos masaksihan ang pamamaril sa biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments