Chairman inutas sa sayawan

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin ng bodyguard ng mayor sa magarbong sayawan sa Barangay Posul sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Chairman George Coloma sa nabanggit na barangay samantala, malubha naman ang suspek na si Ely Fernandez, bodyguard ni Mayor Samuel Pagdilao Sr. matapos kuyugin ng taumbayan dahil sa pamamaril sa kanilang barangay chairman. Lumilitaw na nagpupumilit ang senglot na suspek na isayaw ang singer ng banda subalit sinita at pinigilan ng biktima. Sa halip na manahimik ay binaril ng suspek ang biktima kung saan idineklarang patay sa ospital.

Show comments