Magsasaka pinatay sa gulpi

NUEVA ECIJA, Philippines  – Napatay ang 33-anyos na magsasaka makaraang pagtulungang gulpihin ng mag-ama sa Barangay Siclong sa bayan ng Laur Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Jimmy Barrientos y La­minero habang nasakote ng pulisya ang isa sa suspek na si Elias Pabico, 70, habang tugis naman ang nakatakas na si Eli Pabico, 44, hepe ng barangay tanod. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagkukuwentuhan ang tatlo nang magtalo sa hindi nabatid na dahilan. Hinambalos ng bato ang biktima bago pinagtulungang gulpihin. Naisugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments