^

Probinsiya

Bakasyunista tinagpas sa leeg

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Humantong sa bangu­ngot ang pagbabakasyon ng isang 42 anyos na mister sa bahay ng kaniyang kaibigan matapos halos mapugutan ng ulo nang pagtatagain ng isang lalaking umano’y may diperensya sa pag-iisip sa Brgy. Maravilla, Tabuelan, Cebu kamakalawa.

Ang biktimang  si Dobelio Calinawan ay dead-on-the spot sa insidente sa tinamong mga tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan lumaylay ang ulo nito sa insidente.

Arestado naman at ngayo’y nahaharap sa kasong murder ang suspek na si Conrado Mahusay, 48 taong gulang.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, naitala ang malagim na krimen sa nasabing lugar bandang alas-11 ng umaga.

 Kasalukuyan umanong nagbabakasyon sa lugar ang biktima matapos itong imbitahan ng kaniyang kaibigan para magtungo sila sa beach resort at maligo dahilan ­ma­syadong mainit ang panahon.

Ayon sa imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa sofa sa bahay ng kaibigan nitong si Ricardo Salazar ng bigla na lamang pumasok sa sala si Mahusay bitbit ang bagong hasang itak at pinagtataga ang biktima.

Nagawa pang makatakbo ng biktima pero hinabol ito ng suspek saka pinagtataga muli bago tuluyang tinagpas sa leeg na siya nitong ikinasawi.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BATAY

BRGY

CEBU

CONRADO MAHUSAY

DOBELIO CALINAWAN

HUMANTONG

POLICE REGIONAL OFFICE

RICARDO SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with