Wanted dedo sa shootout

CAVITE, Philippines  – Napatay ang isang wanted sa batas matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Panungyan sa bayan ng Mendes, Cavite kamakalawa ng hapon. Kahit patay na si Ruel Penalba ay itinuloy pa rin ng pulisya na ininquest kay City Prosecutor Ernest B Vida. Ayon kay P/Senior Insp. Toribio Asa, si Penalba ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Lerio Castigador ng Naic Regional Trial Court Branch 15. Napag-alamang isisilbi sana ng pulisya ang arrest warrant nang makipagbarilan si Penalba. Narekober naman ng pulisya ang isang cal. 38 revolver, mga bala at itak na ginamit ni Penalba.

Show comments