Misis kinatay sa Cavite

CAVITE, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na misis matapos pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanyangn tahanan sa Barangay San Francisco sa bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Juliet Addis, hiwalay sa asawa, tubong Agusan del Norte at nakatira sa Block 1 Lot 60 Tierra Nevada Subd. sa nabanggit na bayan. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya na kakilala ng biktima ang killer dahil sa walang palatandaan ng pagnanakaw ang motibo at wala ring palatandaang winasak ang lock ng pintuan nang matagpuan ng pamangking si Karen ang bangkay ng kanyang tiyahin.

Show comments