Totoy nalasog sa bomba

MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan ng 11-anyos na batang lalaki makaraang masabugan ng bomba habang naglalaro sa palayan sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Christian Mangampo ng Purok 4, Barangay Balolo sa nasabing bayan. Base sa police report na nakara­ting sa Camp Crame, lumilitaw na naglalaro ang bata habang abala naman ang kaniyang mga magulang sa pagtatanim sa palayan nang biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog. Nasapul sa pagsabog ang bata mula sa hindi pa mabatid na uri ng eksplosibo kung saan nagulantang naman ang mga magulang na nasa distansyang 10-metro lamang ang layo.

Show comments