SK chairwoman ni-rape

MANILA, Philippines - Gumuho ang pangarap ng isang Sangguniang Kabataan (SK) Chairwoman matapos itong halayin ng isa nitong kasamahan sa dinaluhang piyestahan sa bayan ng Carigara, Leyte kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sr. Inspector Efren Agda, hepe ng Carigara ang biktimang itinago sa pangalang Juliet , 18 anyos ay hinalay ng inireklamo nitong suspek na kinilalang si Alvin Ubaob, 32 ng Brgy. Punong ng nasabing bayan.

Sa reklamo ni Juliet, naganap ang insidente sa isang bukirin malapit sa ilog sa Brgy. Bislig, Carigara bandang alas-8:15 ng gabi.

Bago ang insidente ay nagkayayaan umano ang mga opisyal ng SK na inimbitahan ng suspek sa kanilang bukirin kaugnay ng piyestahan sa lugar kung saan ang mga ito nag-inuman.

Gayunman ng malasing at mag-uwian na ang mga bisita ng suspek ay naiwan ang biktima dahilan hindi sila kasya sa sasakyang pinag­hatid sa mga ito. Nag-alok naman ang suspek na siya na ang maghahatid sa biktima pero sinamantala nito ang kalasingan ng dalaga matapos halayin sa bukid.

Show comments