Van driver utas sa tandem

TUGUEGARAO CITY Philippines - Napatay ang 34-anyos na driver ng pampasaherong van matapos ratratin ng riding-in-tandem sa gilid ng kalsada sa Barangay Centro East, Santiago City, Isabela kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Anthony Mangubat ng Barangay Poblacion sa bayan ng Jones, Isabela. Nabatid na una nang pinagtangkaan ang buhay ng biktima tatlong taon na ang nakaraan subalit ito’y nakaligtas, ayon sa pulisya. Siniguro ng maskaradong gunman na hindi na mabubuhay ang biktima matapos ratratin ng malapitan sa ulo. Hindi naman nakuha ang plaka ng motorsiklo na ginamit na gateway ng gunman.

Show comments