^

Probinsiya

Holdaper dedbol, 3 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang notoryus na holdaper habang tatlo namang batang bystander ang nasugatan sa barilin ng suspek at ng isang pulis sa Davao City kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ronald de la Rosa, Davao City Police Director ang nasawing holdaper na si Larry Medel Valentin alyas Toto, 30, walang hanapbuhay at residente ng Brgy Leon Garcia ng lungsod.

Isinugod namang sa pa­gamutan ang mga nasugatang biktima na sina Nadea Decasaran Gumacap,3;  Racma Sahid Omar, 9 Arsaning Marahumsar Sarip, 11; pawang residente ng Barangay 23, Quezon Bou­levard, Davao City.

Ayon kay de la Rosa bandang alas-8:30 ng gabi ng maganap ang barilan matapos na masabat ng mga awtoridad ang suspek sa kahabaan ng Ally at Quezon Boulevard na nakitang may nakasukbit na baril sa baywang.

Tumangging sumuko ang suspek na agad pinaputukan ang pulis na humabol rito na nauwi sa shootout kung saan minalas na tamaan ng ligaw na bala ang mga biktima. Patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

ARSANING MARAHUMSAR SARIP

AYON

BRGY LEON GARCIA

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE DIRECTOR

LARRY MEDEL VALENTIN

NADEA DECASARAN GUMACAP

QUEZON BOU

QUEZON BOULEVARD

RACMA SAHID OMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with