Van vs bike: 2 dedo

TUGUEGARAO CITY , Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos salpukin ng van ang motorsiklo sa Barangay Burgos sa bayan ng Roxas, Isabela kamaka­lawa. Nakilala ng pulisya ang namatay na sina Marife Pineda, 29, OFW at Sherwin Lagorta, 17, habang sugatan naman ang mag-ama ni Marife na si Brawner Pineda, 31; at Bryan Pineda, 6. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng van na si Orlando Dacuycuy ng Sta. Ana, Cagayan. Nabatid sa ulat na hindi nakalkula ng driver ang pagkabig sa minamanehong van kaya nasalpok ang motorsiklo sa panulukan ng nasabing lugar kung saan nadale rin si Lagorta na sinasabing naglalakad.

Show comments