^

Probinsiya

3 katao nalunod

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlo katao ang nasawi matapos na malunod sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cagayan at Ilocos Sur kamakalawa.

Base sa ulat, unang nalunod ang 4 anyos na si Alyssa Laurente ng Santa, Ilocos Sur habang naliligo sa dagat kasama ang kaniyang pamilya bunga ng matinding init ng panahon.

Ang isa pa ay ang 8 anyos na batang lalaki na si Vincent Agustin, Grade II ng Brgy. Namambalan Norte, Tuguegarao City na nalunod naman sa ilog ng Cagayan matapos na tangayin ng malakas na agos.

Hindi umano namalayan ng kanilang mga magulang ang dalawang bata bunga ng sobrang kasiyahan at kapwa ang mga ito pinaghahanap pa rin matapos lamunin ng malakas na agos at alon.

Samantalang sa Brgy. Baybayog, Alcala, Cagayan nagpakitang gilas ang mangi­ngisdang si Jesus Adviete, 37, sa kanyang anak matapos itong sumisid sa malalim na bahagi ng Pared River pero ilang oras pa ay bangkay na itong lumutang.

ALCALA

ALYSSA LAURENTE

BAYBAYOG

BRGY

ILOCOS SUR

JESUS ADVIETE

NAMAMBALAN NORTE

PARED RIVER

TUGUEGARAO CITY

VINCENT AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with