^

Probinsiya

50 katao nalason sa kasalan

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Umabot sa 50-katao kabilang ang ikinasal ang napaulat na nalason matapos kumain sa handaan sa kasalang naganap sa Barangay Upper San Agustin sa bayan ng Bauang, La Union kamakalawa.

Ang mga biktima na nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ay isinugod sa iba’t ibang ospital kabilang ang bagong kasal na sina Katlyn Hipona at Francisco Aquino.

Ayon kay Mayor Eulogio De Guzman III, ang bagong kasal ay isa sa 18 pares na kanyang ikinasal sa selebrasyon ng mass wedding sa nabanggit na bayan na nagdaos ng kapistahan.

Maging ang cook na si Cesar Hipona ay aminadong nabiktima rin sa sariling luto bagama’t hindi pa nito natukoy kung ano ang partikular na putaheng nakadale sa mga dumalo sa handaan kabilang ang kanyang sari­ling kamag-anak.

Ayon kay  Dr. Luzviminda Monico ng Naguillan District Hospital, maaaring kontaminado ang ilang naihandang putahe sanhi ng pagkakapanis ng mga ito dulot ng sobrang init ng panahon.

Gayon pa man, hinihintay pa ng kanilang tanggapan ang resulta ng pagsusuri upang matukoy ang ugat ng food poisoning.

vuukle comment

AYON

BARANGAY UPPER SAN AGUSTIN

CESAR HIPONA

DE GUZMAN

DR. LUZVIMINDA MONICO

FRANCISCO AQUINO

KATLYN HIPONA

LA UNION

MAYOR EULOGIO

NAGUILLAN DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with