Misis pinilahan sa inuman
BULACAN , Philippines – Pinilahan ang 41-anyos na misis ng kanyang tatlong kalalakihang kapitbahay matapos ang inuman sa kanilang bahay sa St.Francis Subd. sa Barangay Pandayan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nasakote naman ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek na sina Vic Labo, 35; at Ronaldo Carreon, 39, habang tinutugis naman ang isa pang suspek na alyas Kevin. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Hector Samar, nakipaglaro muna ng baraha sa mga suspek ang biktima hanggang sa magkainuman sa bahay ng isa sa mga suspek at nang malasing ay sinimulang pinalahan ang misis.
- Latest
- Trending