^

Probinsiya

Agawan sa lupa, mag-ama inutas

-

CAMARINES NORTE , Philippines  –  Madugong alitan ang sumalubong sa magpipinsan matapos pagbabarilin at mapatay ang mag-ama ng kanilang pinsang mag-utol dahil sa pinag-aagawang lupain sa Barangay Pantat sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Efren Pelonio, 50, habang sa dibdib naman ang tama ni Edzel Pelonio, 20. Tugis naman ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Jerry Selpo at Jerson Selpo. Lumilitaw na nagpapahinga ang batang Pelonio nang pasukin at ratratin ng mga suspek kung saan sumaklolo naman ang matandang Pelonio subalit maging ito ay pinagbabaril din. Lingid sa kaalaman ng mga suspek, naging saksi sa krimen ang anak ng matandang Pelonio na nagrorosaryo sa kanyang silid na hindi nakuhang lumabas dahil sa takot na madamay. Francis Elevado

BARANGAY PANTAT

CAMARINES SUR

EDZEL PELONIO

EFREN PELONIO

FRANCIS ELEVADO

JERRY SELPO

JERSON SELPO

LINGID

LUMILITAW

PELONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with