Chairman, kalihim todas sa tandem

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang opisyal ng barangay habang malubha naman ang isa pa makaraang ratratin ng riding-in-tandem sa Bayug, Zamboanga del Norte noong Lunes ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Army’s 1st Infantry Division spokesman Captain Alberto Caber, napuruhan ng bala si Chairman Francisco Arado ng Barangay Depore habang idineklara namang patay sa Zamboanga del Sur Medical Hospital ang Barangay Secretary na si Editha Navarro.

Samantala, nasa kritikal na kalagayan si Barangay Kagawad Ernesto Mancao.

Bandang alas-5 ng hapon habang nakatayo ang mga biktima sa harapan ng tahanan ni Chairman Arado nang pagbabarilin ng gunmen ang tatlong kinatawan ng barangay.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa bayan ng Diplahan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments