OLONGAPO CITY, Philippines —Mariing kinondena ng mga samahan ng mamamahayag partikular na ang International Federation of Journalist sa panghaharas na ginawa ni Olongapo City PNP director P/Senior Supt. Christopher Tambungan laban kay Randy Datu noong kasagsagan ng hostage crisis sa nasabing lungsod noong Martes ng Abril 3, 2012.
Sa magkahiwalay na statement na inilabas ng Union of Journalist of the Philippines – Olongapo City-Subic Bay Chapter, Alab ng Mamamahayag at ng National Press Club, nagkakaisa ang mga ito sa pagkondena kay Gapo PNP director Tambungan na nang-harass kay Datu ng Pilipino Star NGAYON.
Nagpalabas na rin ng condemnation letter at pagkairita ang pamunuan ng International Federation ng Journalist sa pangunguna ni IFJ Asia-Pacific Director Jacqueline Park kaugnay sa naganap na panghaharas ni Tambungan ng Olongapo City PNP.
“It is alarming to see that police officers will threaten and harass journalists who are simply engaged in reporting legitimate news stories,” Pahayag ni IFJ Asia-Pacific Director Jacqueline Park.
“The IFJ calls for a full investigation to be conducted into the complaints lodged by the journalist, with a view to ensuring these threats are not repeated.” Dagdag pa ni Park
Ang IFJ ay kumakatawan sa 600,000 mamamahayag sa 131 bansa sa buong mundo
Sa reklamo ni Datu, maliban sa mga mamahayag na tumugon sa nasabing krisis ay nag-iisa siyang binulyawan at hinaras ni Tambungan habang nagaganap ang hostage-drama sa Arthur Street sa Barangay Bajac-Bajac, Olongapo City.
Habang nakikinig si Datu sa ginagawang briefing ng mga pulis ay nilapitan at sinigawan siya ni Tambungan ng katagang - “Hoy ikaw! anong pangalan mo?
Sa kabila ng pagkamangha na dati naman na siyang kilala ng opisyal ay magalang pa rin na sumagot at nagpakilala si Datu subalit muli siyang sinabihan na - “Ano ang papel mo rito? Hindi ka kailangan dito, lumabas ka rito.”
Hindi pa nakuntento si Tambungan ay itnulak pa si Datu papalabas ng compound kung saan muntik nang masubasob sa bangketa.
Hinihiling ngayon ng UJP-OS kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome ang agarang aksyon laban kay Tambungan.