^

Probinsiya

Ina ibinuwis ang buhay sa anak

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 21-anyos na ina matapos isalba ang kanyang anak na batang babae sa pagkalunod sa Pinacanauan River sa Barangay Nabbabbalayan, Peñablanca, Cagayan, ayon ulat ng pulisya kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Zaldy Mallari ng Cagayan PNP ang biktima na si Maricon Tuliao ng Barangay Aggaddan sa nasabing bayan.

Nabatid na tumata­wid sa nasabing ilog ang mag-inang lulan ng bangka para kumuha ng gulay sa kabilang ibayo nang ito tumaob dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Ayon sa ilang naka­saksi sa insidente, pilit na isinasalba ng ina ang anak para kumapit sa tumaob na bangka hanggang saklolohan ng iba pang mga nakakita sa bata.

Sa kasamaang palad tinangay ng malakas na alon ang biktima kung saan magtatakip silim na ng ma­tagpuan ng rescue team ang mga labi nito.

AYON

BARANGAY AGGADDAN

BARANGAY NABBABBALAYAN

CHIEF INSP

KINILALA

MARICON TULIAO

NABATID

NAGBUWIS

PINACANAUAN RIVER

ZALDY MALLARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with