^

Probinsiya

4-katao nilamon ng apoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kama­tayan ang sinapit ng apat na miyembro ng pamilya kabilang ang dalawang bata habang dalawang iba pa ang grabeng nasugatan makaraang makulong mula sa nasusunog na bahay sa bayan ng Cainta, Rizal kamakalawa.

Sa ulat, kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Under­secretary Benito Ramos ang mga nasawi na sina Gary Nepomuceno, 46; Juliet Nepomuceno, 62; Francine Nepomuceno, 4; at Butchay Nepomuceno, 2.

Samantala, ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang sina Mamerta Nepomuceno, 84; at Ligaya Nepomuceno, 58.

Bandang alas-4:17 ng madaling araw nang magsimulang kumalat ang apoy sa tahanan ng mga biktima sa #542 Chapaca Street, Greenland Subdivision, Phase IV, Barangay San Juan.

Nabatid na natutulog ang mga biktima nang maalimpungatan ang mga ito dahil sa matinding init na bumabalot sa kanilang tahanan.

Nabigo namang makalabas ang mga biktima matapos makulong ng apoy habang nagawa namang makatakbo ng dalawang nasugatan.

Naapula ang apoy dakong alas-4:55 ng madaling araw matapos na rumesponde ang mga bumbero.

vuukle comment

BARANGAY SAN JUAN

BENITO RAMOS

BUTCHAY NEPOMUCENO

CHAPACA STREET

EXECUTIVE DIRECTOR UNDER

FRANCINE NEPOMUCENO

GARY NEPOMUCENO

GREENLAND SUBDIVISION

JULIET NEPOMUCENO

LIGAYA NEPOMUCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with