Biktima ng summary execution, narekober

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga residente matapos matag­puan ang bangkay ng mister na may mga saksak sa katawan na nakalagay sa sako saka inabandona sa bisinidad ng Barangay San Antonio sa bayan ng San Pedro, Laguna kamakalawa.

Sa ulat ni San Pedro Laguna Police Director P/Supt. Kirby John Kraft, dakong alas- 6 ng uma­ga nang madiskubre ang bangkay sa Fr. Masi Street, SMI Site.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ang bangkay na may taas na 5’4, 25-3- anyos, katamtaman ang kutis, nakasuot ng kupas na chec­kered short pants, tadtad ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at nakagapos ang dalawang kamay.

Nakahubad rin ang kalahating katawan nito sa i­ta­as na bahagi at nakasilid sa sako nang madiskubre ng nagdaraang siklista.

Pinaniniwalaan na­mang ang bi­ktima ay pinaslang sa ibang lugar saka itina­pon sa naturang barangay upang ilihis ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments