64-anyos na biyudo nagbigti

TAYABAS CITY, Quezon, Philippines - Dahil sa kawalan ng pag-asang maghilom ang sakit sa balat, nagdesisyong magbigti ang 64-anyos na biyudo sa kanyang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Ilayang Ilasan, Tayabas City, Quezon. Bandang alas-4:30 ng madaling araw nang matagpuang nakabitin sa kisame ng kanyang bahay ang biktimang si Leoplodo Quinto. Ayon sa anak ni Leopoldo na si Grace Marie na bago mag-sucide ng kanyang ama ay idinadaing nito ang sakit sa balat na hindi na naghihilom kaya nawalan na ito ng pag-asa.

Show comments