Holdaper dedo sa sekyu

BATANGAS, Philippines  – Kamata­yan ang sumalubong sa isa sa dalawang holdaper matapos mabaril ng security guard ng money changer sa bayan ng Bauan Batangas noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa police report, nag-withdraw ng P750,000 sa sangay ng BDO sa Kapitan Ponso Street sa Barangay Poblacion 4 ang teller ng Edleth Money Changer na si Lauro Miguel kasama ang security guard na si Fidel Capio.

Gayon pa man nang pabalik na sa money changer shop ay hinarang sila ng riding-in-tandem bandang alas-2 ng hapon.

Mabilis namang nakabunot ng baril ang security guard at pinaputukan ang dalawang holdaper na lulan ng motorsiklo.

Napatay naman ang isa sa holdaper na si Wilson Salve ng Valenzuela City habang sugatan ang kasabwat nito subalit natangay ang P150,000 habang nagsasagawa ng follow-up,operation ang pulisya.

Show comments