Misis nilikida sa palengke

CAVITE, Philippines – Napatay ang 47-anyos na misis matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng palengke sa Barangay Luksuhin Ibaba sa bayan ng Alfonso, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa mukha si Ma. Gloria Dalin ng Poblacion 2,  Area 1 sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktima sa makipot na kalsada sa palengke nang harangin at ratratin bandang alas-9 ng umaga. Palakad lamang lumayo ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments