Minero nalibing nang buhay
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - Isang minero ang nalibing ng buhay matapos gumuho ang lupang hinuhukay sa bayan ng Angadanan, Isabela, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang biktima na si Zoilo Soliven Jr, 31, ng Barangay Barangcuag. Lumilitaw na naghuhukay ang biktima sa paghahanap ng ginto kasama ang dalawang iba pa noong Sabado ng umaga nang biglang gumuho ang ilalim ng tunnel na naging dahilan upang matabunan ito ng buhay. Mabilis naman na nakatakbo ang dalawang kasamahan ng biktima na nagtamo naman ng ilang sugat sa katawan. Agad din nahukay ang bangkay ng biktima ilang oras matapos matabunan ng lupa.
- Latest
- Trending