112-katao nadale ng diarrhea
MANILA, Philippines - Umaabot sa 112-katao ang nadale ng diarrhea na sinasabing nanalasa sa anim na barangay sa bayan ng San Fernando, Romblon, ayon sa ulat kahapon.
Ito ang kinumpirma kahapon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan kabilang sa mga residenteng tinamaan ng diarrhea ay mula sa mga Barangay Taclobo, Poblacion, Campaliongo, Panangkalan, Pili at sa Barangay Azarga.
Sa report ng Regional Health Unit lumilitaw na mula Marso 5 hanggang 12 ay nasa 38-pasyente ang naisugod sa Sibuyan District Hospital, ang iba naman ay dinala sa ibang ospital habang binigyan naman ng 1st aid ang karamihan sa mga biktima.
Pinaniniwalaang kontaminadong tubig at maruming pagkain ang isa sa dahilan kaya kumalat at nagka-diarrhea outbreak.
- Latest
- Trending