^

Probinsiya

4 NPA todas sa encounter

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bulagta ang apat na rebeldeng New People’s Army kabilang ang kanilang lider makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Sitio Tamale, Barangay Digmala sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Army’s 7th Infantry Division spokesman Major Enrico Gil Ileto ang napatay na lider ng NPA na si Benjamin Pe­ralta alyas Gani/Otoy at Onil, kalihim ng kilusang rebelde; isang tinukoy na alyas Sara habang ang iba pa ay inaalam ang pagkakakilanlan.

Bandang alas-9 ng gabi nang makasagupa ng  tropa ng 81st Infantry Battalion ni 1st Lt. Saturnino Enofre ang grupo ng mga rebelde.

Narekober sa pinang­yarihan ng bakbakan ang M16 rifle, carbine rifle, cal.45 pistol, 2-improvised explosive device, 2 granada, food stuffs, mga gamot at mga subersibong dokumento.

Sinabi naman ni Brig. Gen. Alan Luga, comman­der ng Army’s 7th Infantry Division na isa itong mala­king dagok sa hanay ng NPA.

vuukle comment

ALAN LUGA

BARANGAY DIGMALA

BENJAMIN PE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR ENRICO GIL ILETO

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

SATURNINO ENOFRE

SITIO TAMALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with