Ex-PNP colonel nilikda
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa retiradong police colonel matapos ratratin ng riding-in-tandem sa loob ng cockpit arena sa Barangay Casanicolasan, Rosales, Pangasinan. Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Paulito Alabanza, may-ari ng New Rosales Coliseum. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakatayo ang biktima sa harapan ng cockpit arena nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-12:40 ng hapon. Kabilang naman sa anggulong sinisilip ng pulisya ay love triangle at alitan sa negosyo.
- Latest
- Trending