Chairman tiklo sa drug bust

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng siyam-katao kabilang na ang barangay chairman matapos makumpiskahan ng shabu, marijuana at iba’t ibang uri ng baril sa isinagawang drug bust operation ng pulisya at military sa Barangay Banao, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. Sa ulat na ipinalabas ng 5th Army Division na naka base sa Camp Upi sa bayan ng Gamu, Isabela, kinilala ang sinasabing lider ng grupo na si Chairman Virgilio “Illiong” Gunnawan. Nasamsam sa mga suspek ang 10-gramo ng shabu, dalawang bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana, anim na high-powered rifles, 6 baril, granada, grenade launcher, ibat-ibang uri ng bala at 7-motorsiklo na sinasabing ginagamit ng mga drug courier.

Show comments