2 utas sa road mishap

ZAMBALES ,Philippines  – Dalawa-kato ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa lalawigan ng Zambales kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Cecilio Abuyo, 59, ng Barangay Sto. Niño, Cabangan; at Ronaldo Eclarinal, 34, ng Barangay Palanginan, Iba, Zambales. Sa police report, si Abuyo na nagbibisikleta ay nahagip ng kotse (TFO 470) ni Joanne Callo ng San Antonio, Zambales noong Sabado ng umaga matapos itong tumawid sa highway ng Barangay Sto. Niño. Samantala, si Eclarinal na nagmamaneho ng traysikel ay sumalpok naman sa kongretong poste sa Rizal Avenue sa bayan ng Iba noong Linggo ng umaga kung saan idineklarang patay sa ospital.

Show comments