^

Probinsiya

Inindyan ng textmate, nag-suicide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi pagsipot ng textmate, nagpakamatay matapos magpakalunod sa irigasyon ang 29-anyos na binata sa Iloilo City, Iloilo kamakalawa.

Kinilala ang nag-suicide na si Pablo Bertadero ng Barangay Igang sa bayan ng Pototan, Iloilo. Naisugod pa sa Iloilo Provincial Hospital ang biktima subalit idineklarang patay. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, dakong alas- 2 ng hapon ay umalis sa kanilang tahanan ang biktima dahil sa matinding sama ng loob sanhi ng pag-indyan sa kanya ng dalagang ka-textmate. Nabatid pa na maraming beses na iniindyan ng ka-textmate ang biktima kaya labis ang pagdaramdam nito.

Hinayaan naman ng kanyang pamilya na umalis ng bahay na nanlulumo ang binata na nagpaalam na magtutungo lamang sa kanilang bukirin upang magpalipas ng sama ng loob. Gayon pa man, nagimbal ang mga magulang ng biktima nang madiskubreng lumulutang na ang bangkay nito sa irigasyon sa palayan matapos na magpakalunod.

vuukle comment

BARANGAY IGANG

CAMP CRAME

DAHIL

GAYON

HINAYAAN

ILOILO

ILOILO CITY

ILOILO PROVINCIAL HOSPITAL

KINILALA

PABLO BERTADERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with