8-anyos binasag ang ulo

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 8-anyos na mag-aaral na sinasabing hinalay muna at binasag ang ulo saka itinapon sa ilog sa bayan ng Pulilan, Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marie Rose Perante, ng Dampol 1st Elementary School at nakatira sa Barangay Dampol 1st sa nasabing bayan. Huling namataang buhay ang biktima na umiinom ng pampalamig sa tindahan sa Barangay Poblacion kung saan hindi na nakauwi kaya ipinaabot ng mga magulang sa pulisya ang pagkawala ng bata. Kinabukasan ay natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog.

Show comments