Credit investigator itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang 47-anyos na credit investigator ng Fortune Cashmine matapos na pagbabarilin sa balkunahe ng kanilang bahay sa bayan ng Basista, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Arsenio Bautista at idineklarang patay sa Blessed Family Hospital sa San Carlos City. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang sa Barangay Anambonga bandang alas-7:45 ng gabi kung saan nagpapahinga ang biktima sa kanilang tahanan ng riding-in-tandem.

Show comments