LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Isang 40-anyos na lalaki na sinasabing tangkang halayin ang kapitbahay na misis ang napatay ng mister ng huli kamakalawa ng gabi sa Barangay Nagas sa bayan ng Oas, Albay. Kinilala ang napaslang na si Romeo Rellores habang sumuko naman ang suspek na si Rolando Magcayang, 34, magsasaka. Batay sa police report, dakong alas-6:30 ng gabi nang pasukin ni Rellores ang bahay ng mag-asawang Magcayang kung saan tinangkang halayin ang misis ng suspek. Nasaksihan naman ng mister ang maitim na balak ng lalaki kaya nagsuntukan ang dalawa hanggang sa mapatay si Rellores matapos mapalo sa ulo ng tubo.