Pulis-Batangas itinumba

MANILA, Philippines - Isa na namang pulis-Batangas ang napaslang makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Pascual, Batangas kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, napuruhan sa leeg ang biktimang si PO2 Efren Camo, 44, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na bayan.

Naganap ang krimen bandang alas-3:20 ng madaling araw habang nagmomotorsiklo ang biktima patungo sa himpilan ng pulisya para mag-duty. Nagawa pang maisugod ng mga barangay tanod ang biktima sa Bauan Doctors Hospital subalit idineklarang patay.

Show comments