Pulis nilikida

SAN RAFAEL, Bulacan, Philippines  – Maagang kinalawit ni kamata­yan ang isang aktibong pulis makaraang pagbabarilin ito ng motorcycle riding in tandem habang naglalaro ng baraha sa isang lugar sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si SPO1 Jonathan Mendoza, 37 anyos , nakatalaga sa Directorate for Personnel and Records Management sa PNP Headquarters sa Camp Crame na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng cal .45 pistol.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-7:10 ng gabi habang naglalaro ng pusoy ang biktima kasama ang iba pang mga kaibigan sa isang bahay sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang mga salarin na lulan ng motorsiklo at pagbabarilin ito.

Tumakas sa di pa nabatid na direksyon ang mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments