Totoy dedo sa kuryente

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 3-anyos na totoy matapos mapahawak sa talop ng linya ng kur­yente habang naglalaro sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Canvanes sa bayan ng Batuan, Masbate kahapon ng umaga. Naisugod pa sa San Fernando Hospital subalit namatay din ang biktimang si Marjon Marmol habang malubha naman ang sumaklolong si Gaspar Deinla, 39. Napag-alamang papasok na sana sa trabaho si Deinla nang mamatang nangingisay ang bata kaya sinaklolohan nito subalit nakuryente rin.

Show comments