NUEVA VIZCAYA, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 37-anyos na lalaki na sinasabing inabandona at tinanggihan ng kanyang nobya na magpakasal matapos itong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Concepcion sa bayan ng Rosario, La Union kamakalawa. Natagpuan sa loob ng kubo malapit sa kanilang bahay ang duguang katawan ni Joseph Emana, 37, barangay Kagawad, ng Barangay Concepcion. Lumilitaw na dinamdam ng biktima ang pagtanggi ng kanyang syota na magpakasal sa hindi nabatid na dahilan kaya isinagawa ang pagpapakamatay.